2008-05-16

Abugado at manager ni Gabby kinasuhan sa Iloilo!  

0 comments

NAG-UUMPISA pa lang ang legal battle ni Jobert Sucaldito at ng mag-asawang Atty. Eduardo Flaminiano at Rose Flaminiano.

Worth P10M ang libel case na isinampa sa Tarlac nina Atty. Flaminiano at Mommy Rose laban kay Jobert dahil sa mga isinulat nito tungkol sa naudlot na business deal sa pagitan ng MET Tathione at ni Gabby Concepcion.

Tubong-Iloilo si Jobert at ngayong umaga, lumipad siya sa Iloilo City para i-file ang kanyang kontra-demanda laban sa mag-asawa.

Libel ang kaso na isasampa ni Jobert sa Justice Hall ng Iloilo City.

Kumpara sa Tarlac, mas malayo ang Iloilo City kaya malaking abala ito para kay Atty. Flaminiano at Mommy Rose.

***

Voted off sa American Idol si Syesha Mercado kaya siguradong David ang pangalan ng mananalo sa susunod na linggo sa sinusubaybayang talent search show sa Amerika.

Sina David Archuleta at David Cook ang maglalaban sa final night ng American Idol sa May 22.

Si Archuleta ang 17-year old na kontrobersyal dahil sa pagkakaroon ng stage father at si Cook ang 25-year old bartender na madalas na pinupuri nina Simon Cowell, Paula Abdul at Randy Jackson ang performance.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories