Bea Alonzo gets the plum role in Betty La Fea
Labels: pep 0 commentsKinumpirma ni direktor Wenn Deramas na ang young actress na si Bea Alonzo ang napili ng ABS-CBN management upang gumanap sa title role ng Philippine adaptation ng hit Colombian telenovela, Betty La Fea.
Nasa Calatagan, Batangas kahapon, May 5, si Direk Wenn para sa first official taping day ng Dyosa na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Doon niya sinabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na si Bea na nga ang gaganap na bida sa Betty La Fea.
Ayon naman sa report ng abs-cbnnews.com, nakatakdang makipag-meeting si Direk Wenn ngayong araw, May 6, sa ilang opisyales ng Kapamilya Network upang pag-usapan ang naturang proyekto. Gusto raw kasi ng management na simulan na nila ang taping ng Betty La Fea ngunit kasisimula rin lang ng direktor na mag-taping para sa Dyosa.
Ang Betty La Fea ay sikat na telenovela mula sa Colombia, na tumakbo mula 1999 hganggang 2001. Ang naturang version ay unang ipinalabas dito sa Pilipinas sa GMA-7 at nagkaroon ng re-run sa Studio 23, ang sister station ng ABS-CBN na nakabili ng franchise.
Dahil sa tagumpay ng Betty La Fea, mahigit isang dosenanang versions na ang ginawa hango sa original series, kabilang na ang Emmy-Award winning U.S. comedy series na Ugly Betty. Meron din itong versions sa mga bansang Mexico, Spain, Israel, India, Germany, Turkey, Russia, Netherlands, Greece, Croatia, Czech Republic, Portugal, at iba pa.
Bago nakuha ni Bea ang role na Betty La Fea ay namili muna ang ABS-CBN sa hanay ng mga young actresses ng Kapamilya Network, kabilang na sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Valerie Concepcion.
Naging kontrobersiyal din ang Betty La Fea dahil kinunsidera rin ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez upang gumanap sa naturang role.
Ito nga ang naging dahilan para magdesisyon ang singer-actress na lumipat sana
noon sa ABS-CBN mula sa GMA-7.
Pero nagkaroon ng kaguluhan sa usapang ito hanggang sa magdesisyon si Regine na manatili na lamang sa Kapuso Network. Kapalit nito ay ibinigay ng GMA-7 sa Asia's Songbird ang title role sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na My Name is Kim Sam Soon, na nagsimula na ang taping.
Bukod kay Bea, wala pang announcement ang ABS-CBN kung sinu-sino ang makakasama ng young actress sa Betty La Fea.
Huling napanood si Bea sa primetime series na Maging Sino Ka Man Book 2.
0 comments: to “ Bea Alonzo gets the plum role in Betty La Fea ”
Post a Comment