2008-05-07

Rachelle Ann Go - Honestly  

0 comments

Excited si Rachelle Ann Go sa kalalabasan ng kanyang first live album, ang Rachelle Rocks Live.

Hindi ito kagaya ng mga nauna niyang albums na ginawa sa isang studio, na kung magkamali man siya ng kanta o kaya ay magkaroon ng kaunting depekto ay maaaring ulitin para mapaganda.

Ang kanyang bagong album ay recorded live. Nagkaroon siya ng isang performance na tumagal ng dalawang oras.

Ang pagitan lang ng kanyang pagkanta ay ang kanyang pagbibihis nang minsan lang. Kaya ang songs sa album ay ginawa nang tuluy-tuloy.

Ang ginawa nila, kumuha sila ng isang venue, ng isang banda at doon ay gumawa ng performance si Ra-chelle at doon binuo ang kanyang unang live album.

Kinunan din ‘yun ng video at ilalabas din nila ito sa market. Medyo mahuhuli nga lang para bigyan muna ng pagkakataong makabenta ang kanyang CD bago ang video album na ‘yun.

Pero, ang pakiusap nga ni Rachelle, sana naman daw ay hindi mapirata agad ang kanyang bagong album.

Kasi nga naman kung mapipirata agad iyon, malakas man ang benta ng album ay hindi siya magkakaroon ng kredito, dahil hindi naman kabilang sa sales ‘yung benta mga pirata.

Kawawa rin ang produ-cers na namumuhunan nang malaki, gumagastos nang husto para mahatiran tayo ng mahuhusay na musika, tapos malulugi lang dahil napirata ang kanilang ginawang CD.

Mas kawawa naman ang singers, dahil nawawalan sila ng batayan na nag-hit ang kanilang mga album na siya namang basehan ng producers ng mga concert para kunin sila. (Taliba)

Download MP3 HERE

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories