2008-05-14

Jericho at Heart, ‘edited’ ang kuwento! Dating aktres, pinabayaan ng anak!  

0 comments

ANG ‘Tanging Ina’ ng Star Cinema ang huling comedy movie na nakapagpatawa sa amin nang husto, pero nahigitan ‘yon ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy ng Viva Films.

Hindi namin inaasahan na matatawa kami sa mga eksena ng pelikula nina Ai Ai delas Alas at Robin Padilla na nagkaroon ng premiere night sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall noong Lunes.

Napatunayan namin na totoo ang sinabi ni Mel del Rosario (scriptwriter ng Ikaw Pa Rin) na may che­mistry ang team-up nina Ai Ai at Robin dahil napuno ng halakhak ng audience ang loob ng sinehan.

Manhid ang hindi maaaliw sa mga nakakatawa na eksena ng pelikula at sa mahusay na performance nina Ai Ai, Robin, Eugene Domingo, John Lapus at ang child actor na si Rhap Salazar na gumanap bilang alanganin na anak ni Robin.
Simple lang ang kuwento ng Ikaw Pa Rin, pero nagmukha itong bago dahil sa mga wacky scene at sa magandang script na isinulat ni Mel.

Tawa kami nang tawa sa eksena ni Ai Ai na nakalublob sa bathtub na punumpuno ng yelo habang background music ang Nananabik ni Didith Reyes.

Nakaw-eksena si Eugene na iba’t iba ang karakter mula sa mga primetime shows ng ABS-CBN at GMA 7.

Pinatunayan ni Robin na kaya niya na magpatawa kahit mas kilala siya bilang action star at drama actor.

Hindi namin namalayan ang oras dahil nag-enjoy kami sa panonood.

***

May nagparating sa amin na edited ang kuwento nina Jericho Rosales at Heart Evangelista tungkol sa kanilang break-up.

Bakit hindi raw nila sinasabi na sumunod si Heart sa Malaysia para dalawin si Jericho?

Reportedly, hindi naging maganda ang pagkikita sa Malaysia nina Heart at Jericho.

Nakaapekto raw ang problema nila sa performance ni Jericho sa TV series na ginagawa nito sa nasabing bansa.

***

May reaksyon ang reader na gumamit ng alias na Song Shaker tungkol sa problema ng dating sexy actress na si Carmen Ronda.

Ipinalabas sa Startalk noon ang interview kay Carmen at sa problema nito tungkol sa kanyang tinutuluyan na bahay na giniba.

Hindi maintindihan ni Song Shaker kung bakit kaila­ngan ni Carmen na magdusa.

Hindi ba raw tinutulungan si Carmen ng kanyang anak na flight stewardess at based sa Jeddah, Saudi Arabia?

Apparently, kilala ng e-mail sender ang anak na babae ni Carmen.

Nagtatanong ang nagmamalasakit na reader kung bakit nakakaya ng ibang tao na pabayaan ang kanilang mga magulang na nangangailangan ng tulong.

Kayang-kaya raw ng anak ni Carmen na itira sa isang maayos na bahay ang kanyang ina dahil maganda ang trabaho niya.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories