2008-05-07

Marian Rivera, binugbog si Oscar de la Hoya!  

0 comments

NAKATAKDA bang lumipat ang R&B Prince na si Jay-R ngayong may balitang hindi na siya magri-renew ng kontrata sa GMA 7? Para sa kaalaman ng lahat, mula nang ma­diskubre si Jay-R at mapabilang sa GMA shows, particularly SOP, nakagawa na siya ng ilang movies at na­ging sexy model din siya ng Bench.

Naging kontrober­syal nga siya dahil pumunta siya sa ALV productions ni Arnold Vegafria matapos makilala si Geleen Eugenio na discoverer niya, huh! But that’s water under the bridge.Naging maganda naman ang career niya nang hawakan siya ng ALV Talent Circuit. Nakagawa rin siya ng ilang movies sa Regal. May mga albums na din siya nag-hit.

Mabait pa naman si Jay-R. Hindi niya ramdam na kilala rin siya ng tao.

Kapag may kakilala siyang nakasalubong, siya pa mismo ang unang bumabati.


Hindi naman kaya mag-aasawa na si Jay-R at fly back na siya sa Amerika?

***

Totoo kaya ang nasagap naming tsismis na ang dating girlfriend na non-showbiz ng sikat na matinee idol ay girlfriend ngayon ng baguhang male host na galing sa isang exclusive school?

Lihim na lihim daw ang balitang ito pero may nakakita sa dalawa exchanging sweet pleasantries sa isang lugar sa Ortigas.

Eh, balitang may girlfriend si male host na ilang years na niyang karelasyon. Does it mean na hiwalay na siya with his long time beau?

***

Binugbog pala ng Dyesebel sa ratings last Sunday ang katapat na boxing match featuring Oscar de la Hoya, huh! Aba, masamang pa­ngitain ito dahil kapag boksing, tutok ta­laga ang publiko lalo na’t sikat na boxer ang tampok sa laban!

Ten points ang ni­lamang ng Dyesebel, 25.2 as against 15.2 ng de la Hoya fight. To think na ‘yung telecast ng premiere episodes ng fantaserye nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay pagbibigay-daan sa kahi­lingan ng manonood lalo na sa lugar na nagkaroon ng brownout nu’ng pilot week ng Pambansang Sirena, huh!

Hindi akalain ng GMA na makakasilat pa ito sa ratings, huh!

Aba, halos lahat ng shows ng GMA last Sunday ay panalo sa ratings.

Idagdag pa riyan ang panalo ng Showbiz Central sa The Buzz na 6 points ang lamang!

Ano ‘to? O, alam ninyo na kung bakit, huh! (abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories