2008-05-29

News: Korina, kakasuhan ng libelo sa Cotabato  

0 comments

SA June 2 (Lunes) ay nakatakdang sampahan ng kasong libelo ng United Shelter Health Product, ang gumagawa ng Lucida si Korina Sanchez. Si Atty. Leo Olarte ang abugado ng Lucida-DS.

Sa Polomoloc, Cotabato isasampa ang unang kasong libelo laban kay Korina, at sa isusunod daw agad ang iba pang kaso sa iba’t ibang lugar sa Iloilo, Ge­neral Santos, Cagayan de Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, at Zamboanga.

Ang pagsasampa ng kaso ng United Shelter Health Product ay nag-ugat sa report ni Korina hinggil sa diumano ay kakulangan ng content ng glutathione sa produkto ng kumpanya ng whitening product.

Naglabas na ang official statement ang United Shelter Health Product SVP na si Maribel Galindez tungkol sa report ni Korina.

Pinaninindigan naman ni Korina ang kanyang report, at suportado siya ng pamunuan ng ABS-CBN 2. Sinabi pa ni Korina na ilang beses niyang binigyan ng pagkakataon ang Lucida-DS na magbigay ang kanilang panig, pero hindi raw ito sumipot sa usapan.

Sabi naman ni Ms. Galindez, willing silang humarap kay Korina, pero live interview ang gusto nila, base na rin sa kagustuhan ng kanilang abogado.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories