News: Marian, pumalag sa pambabastos!
Labels: pep 0 comments
KABILANG kami sa nakatanggap ng video (http://youtube.com/watch?v=8NlaTeYe0I) ng pagtataray ni Marian Rivera sa taping ng Dyesebel.
Nakunan si Marian habang nagagalit ito sa isang lalake na tila binastos siya. Ayon sa nagpadala ng video, lumabas ang tunay na ugali ni Marian dahil sa mga dialogue nito na “Ang kapal ng mukha mo!, O bakit ganyan ka porke maraming tao na nanonood, mabait ka? Kanina tinatarantada mo ako!”
Bitin ang video dahil ang pagtataray lang ni Marian ang kinunan o nakunan.
Naniniwala kami na may dahilan ang pagtalak ni Marian sa lalake.
Imposible na basta na lamang nagalit ang isang tao nang walang rason.
Tao rin ang mga artista. Marunong din sila na masaktan.
Marami na kaming insidente na nasaksihan na nakaranas ng pambabastos ang mga artista mula sa mga tao na hindi nila kilala.
May mga artista na pumapalag para ipagtanggol ang kanilang sarili at may mga artista na nagsasawalang-kibo na lamang.
Sa kaso ni Marian, posibleng binastos siya ng lalake kaya hindi niya napigilan ang magalit at magtaray.













0 comments: to “ News: Marian, pumalag sa pambabastos! ”
Post a Comment