2008-05-21

News: Roxanne Guinoo, palaban sa hubaran!  

0 comments

HINDI na maawat ang pagpapaseksi ni Roxanne Guinoo. Noon pa man, pinipilit na siyang maghubad para sa kaligayahan ng mga barako.

Sabi, masarap nga raw hubaran ang isang babae na tulad n Roxanne na inosente ang mukha, na parang walang alam sa kamunduhan.

Iba nga raw ang dating kapag naghuhubad, o nagpapakita ng kanyang balat ang isang babaeng alam mo na nagmula sa magandang pamilya.

Hindi nga ba, marami ang nagulat noong mag-endorse si Roxanne ng isang brand ng alak? Na bagama’t nakaluwa ang kanyang katawan sa mga billboard na nalabasan, alam mong hindi bastusin ang dating niya.

Sabi ni Roxanne noon, puwede siyang maging pa­laban sa hubaran, lalo na at may kabuluhan. Hindi naman daw siya papayag na maghubad lang, kung hindi naman makatutulong na maitaas ang estado ng career niya sa showbiz. Na kung magiging bastusin lang siya, hindi na niya susubukan.

Ang magandang katawan at inosenteng mukha ni Roxanne ang nasilip ng ABS-CBN para bigyan siya ng pagkakataon na maging bida. Sabi nga nila, may sari­ling karisma si Roxanne, na mahirap tanggihan.

Unang nagbida si Roxanne sa Natutulog Ba Ang Diyos, nasundan ito ng Palos, at ngayon ay sa Ligaw.

Sabi ng Channel 2, malaking bagay sa isang artista na tulad ni Roxanne ang magandang mukha at seksing katawan, pero mas angat pa rin ang kahusayan nito sa pag-arte.

Ang Ligaw ay tungkol kay Leya, isang babaeng naghahangad na buuin ang mga piraso ng kanyang malungkot at kumplikadong buhay.

“Ligaw is about one beautiful girl’s (Leya) desire to complete herself by finding her own family, true love. You will see a more daring Roxanne in Ligaw,” sabi ni Enrico Santos, ang Business Unit Head ng Ligaw.

Sina Sid Lucero at Marc Abaya ang mga lalake sa buhay ni Roxanne sa Ligaw. Kasama rin dito sina Ara Mina, Isko Moreno, Noni Buencamino, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa, Chockoleit, Arlene Muhlach, Smokey Manaloto, Coco Martin, Joem Bascon, Erich Gonzales, at Mateo Guidicelli, sa direksyon ni Andoy Ranay.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories