2008-05-04

‘Ploning’, P20M ba talaga?  

0 comments

Nabasa namin sa ilang dyaryo na inabot daw ng P20M ang nagastos sa paggawa ng Ploning na pinagungunahan ni Judy Ann Santos. Nagpa­labas pa nga raw ng datung ang Drama Princess sa proyekto niyang ito na directorial job ng kanyang best friend.

Pero sipat-sipatin man namin ang kabuuan ng movie, hindi namin nakita na P20M na ginastos, huh! Lalo na nga’t balitang ‘yung ibang artistang kasama sa movie, hindi nagpabayad o kung nagpabayad man, hindi ‘yung usual na hala­gang ibinabayad sa kanila, huh!

Hindi naman siguro aabot ng P10M ang ginawang shooting sa Cuyo. At hindi rin naman aabot sa P10M ang marketing and promotions dahil sa ilang shows sa GMA, alam naming libre ‘yon alang-alang kay Juday!

Ang paliwanag na aming nakuha, from film to digital to film daw ang gi­namit na proseso. Para raw ma-capture ang kagandahan ng Cuyo at sceneries sa lugar. Kung digital film lang, hindi gaanong mae-enhance ang photography kaya ganoon ang prose­song ginawa.
Mahal daw ang ganoong sistema, huh!

Gayunpaman, hindi pa rin kami solved sa paliwanag. Masyadong malaki ang P20M para sa isang pelikulang gaya ng Ploning.

Eh, ang katapat nilang When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis, we doubt kung gumastos ‘yon ng P20M! Aba, mahirap bawiin ang ganoon kalaking halaga at this point in time na mahal ang gumawa ng movie na after a day of showing, napipirata na, huh!

Say ng isang producer, kapag sa kanya ibinigay ang P20M, baka nakatatlo siyang pelikula, huh!

Mabuti sana kung kapwa malakas sa takilya ang dalawang local films na nag-showing ngayon. Eh, base sa info na nakarating sa amin, hindi ganoon kalakas.

Pero ayon sa isang kaibigang nakapanood, ang isa ay super-ganda at ang isa naman ay nakakabugnot, huh!

Teka, saan nga kaya napunta ang P20M na ginastos sa Ploning? Just asking.

***

Maglalaglagan ang magkabigang Mark Herras at Rainier Castillo sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central this Sunday. Kapwa kaya nila ibubuko ang lihim nila pagdating sa kanilang mga chicks?

Isang exclusive ding interview ang mapapanood kay Dennis Trillo upang linawin ang iba’t ibang issues na kinasasangkutan niya ngayon.

Alamin din this Sunday ang happenings ng magdyowang Vicki Belo at Hayden Kho sa pasyal na ginawa nila sa Africa!

***

Matapos ang maiinit na summer espisodes sa Morong, Bataan sa dalawang linggong episode ng All Star K nina Allan K at Jaya, balik-studio naman ang dalawa ngayong Sunday.

Ngayong gabi, pitong pares na contestants mula sa series na Babangon Ako’t Dudurugin Kita ang maglalaban-laban sa isang milyong piso.
Ang pitong pares na ito na magbi-videoke ay sina Patrick Garcia at Jim Pebangco, Yasmien Kurdi at Lizzy Pecson, Marvin Agustin at Kiel Rodriguez, Anglika dela Cruz at Arnel Carrion, Diana Zubiri at Caloy Aide, Paolo Contis at Yda Yaneza, at JC de Vera at Dhang Amistad.
Ang hired K-ler ay si Dina Bonnevie. (Jun Nardo of Abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories