News: Rica, ‘nabitin’ kay Piolo!
Labels: pep 0 comments
Tanong ng marami, bakit hindi natuloy sa isang tunay na relasyon ang samahan nina Rica Peralejo at Piolo Pascual?
Tila nabitin nga raw si Rica dahil hindi natuloy sa relasyon ang samahan nila ni Piolo?
“Hindi talaga meant to be. Ako kasi, I believe na anything that God gave me, it’s a blessing. Wala siyang trouble.
“Nakikita niyo na kasi kapag magkasama kayo. You have to think ‘yung mga mangyayari in the future, if it’s going to be good for you or bad for you.
“Wini-weigh din namin ‘yung mga ganung bagay. So, we decided na mas okey kung magkaibigan na lang kami,” sabi ni Rica.
Ayaw ipaliwanag ni Rica kung bakit nauwi sa friendship ang sitwasyon nila ni Piolo.
“It’s very unladylike kung magsasalita ako o manggagaling sa akin. Huwag na lang.
“Basta, nag-pray ako. I pray for everything not only for Piolo but for everything,” sabi lang niya.
Ano ang masasabi ni Rica na may napupusuan na raw si Piolo ngayon na kasamahan din nito sa church (Born Again)?
“Hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita. Baka kasi nasa Galleria ‘yon. Hindi naman ako nagtsi-church sa Galleria. Sa The Fort ako,” tugon niya.
Kumusta naman ang lovelife ni Rica? Parang matagal-tagal na rin siyang walang karelasyon, ha?
“Wala pa rin. Pero, may mga nakikita naman ako na pasado sa panlasa ko.”
Naikuwento ni Rica na madalas niyang nakakasama ang naturang lalake. Kung taga-showbiz ba `yon, ayaw na niyang linawin pa.
“Huwag na baka bigla silang maging aware. Baka kasi mag-isip sila na, ako ba ‘yon? Ha! Ha! Ha! Ha!”
Siyanga pala, puring-puri rin ni Rica si Sharon Cuneta na kasama niya sa pelikulang Caregiver ng Star Cinema, at dinirek ni Chito Roño.













0 comments: to “ News: Rica, ‘nabitin’ kay Piolo! ”
Post a Comment