2008-07-27

Kapamilya stars sizzle at "Blackout" underwear show  

0 comments

Jampacked ang Araneta Coliseum sa BLACKOUT: The Bench De­nim & Underwear Show nu’ng Biyernes nang gabi.

Bandang 8:30 PM nagsimula ang show na may temang ‘Bench Body exa­mines the human art form.’ Ang orig na PBB Teen winners na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang pinakaunang rumampa sa first segment na tampok ang illustrator/gra­phic designer na si Abi Goy. Parehong naka-denims at white tops ang dala­wa at ang cute ni Kim sa kanyang hawak na puting parasol.

‘Birds’ ang concept ng portion ni Abi Goy kaya mala-ibon ang galaw ng dancers and models. Sunod na rumampa ang mga produkto ng Be Bench model search na sina Regine Angeles, Kristine Nieto, John James Uy, Ron Morales at Carlo Guevarra. Pastel ang kulay at medyo manipis ang fabric ng underwear ng tatlong boys kaya bakat na bakat ang mga bukol nila.

Tilian ang Araneta crowd pag nanti-tease ang male celebrity mo­dels at binababa nang konti ang suot nilang brief. Next in line ang PBB Teen Edition Plus winner na si Ejay Falcon kasama sina Robi Domingo at Va­lerie na very wholesome at balot na balot ang suot. In fairness ay mala­kas ang tilian sa tatlong bagets ng PBBTEP.

Magkakasunod na rumampa sina Shaina Magdayao, John Prats at Rayver Cruz. Hindi namin agad nakilala si Shaina sa kapal ng makeup niya. Kung anong tangkad ni Rayver ay siyang liit ni John. Sunod sa kanila sina Iya Villania, Enchong Dee at JC de Vera. Kapwa nag-topless sina Enchong at JC, at tinilian ng audience dahil ang ganda ng kanilang upper body.

Tuluy-tuloy ang parada ng mga bukol na iba-iba ang hugis at laki; may patayo, pahalang at patagilid, na umaayon sa iba-ibang kulay, tabas at design ng suot nilang underwear. Sina Christian Bautista, Rachelle Ann Go, Rica Peralejo, Jake Cuenca at Sarah Geronimo ang pinakahuling rumampa sa Abi Goy segment. Ang lakas ng tilian kay Jake at ang cute ng puting kalapating nakaputong sa ulo ni Sarah.

Nagsama-sama ang celeb models sa diamond stage at bumaba sa audience ang models na may hawak na stick na may white paper doves sa dulo.



What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories