2008-07-23

News: Charice sa ‘Oprah’ mamaya na sa Studio 23  

0 comments

Mapapanood na ang pagkanta ni Charice Pempengco aka Charice sa US show na Oprah mamayang 7:30 PM sa Studio 23.

Makatindig-balahibo ang pag-awit ni Charice ng I Have Nothing at binigyan siya ng standing ovation.

Napaiyak si Charice nang mayakap niya si Oprah Winfrey at sinabing matagal na niyang pangarap na makasama sa nasabing top-rating show sa US.

Bago pa man lumabas sa Oprah ay pinabilib na tayo ni Charice sa kanyang pagtatanghal sa Ellen, The Paul O’Grady Show at Star King sa Korea.
Sa ngayon ay naghahanda si Charice para sa nalalapit na pagtanghal ni Andrea Boccelli sa Italy.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories