2008-07-11

News: Heart, Titikman ni Richard  

0 comments

MINTY ang description ni Richard Gutierrez sa lasa ng mga labi ng katam­bal niya sa Codename: Asero na si Heart Evangelista.

nong pakiramdam niya na iba naman ang kapareha at kahalikan niya sa bago niyang primetime series?

“Syempre, masaya ako na si Heart ang kapartner ko rito. Sinuwerte ako, eh!” nakangiting sambit ni Richard.

Maging si Richard ay naseseksihan kay Heart at ‘hot’ daw ang kanyang leading lady.
“Iba talaga ang dating ni Heart ngayon. I think she is focused now. Tala­gang ang ganda ng katawan niya, ang galing niyang umarte, and I’m happy for her.

“Kasi, she’s just challenging herself, pu­shing herself kung hanggang saan niya kaya and she’s really giving her best. We’re all very happy and proud of her. I’m very, very happy na siya ’yung kasama ko sa Asero. She’s hot, she’s hot!” bulalas ng guwapong heartthrob.

***

Kung hindi pa siya attached ngayon, may posibilidad ba na magkainlaban sila ni Heart?
“Hindi ako attached now. And of course, ayokong pangunahan ‘yung mga bagay. Pero I also don’t wanna close my doors on what’s gonna happen.

“Kasi, hindi naman mahirap mainlab kay Heart. She’s beautiful, she’s smart, she’s a great actress and lahat ng qua­lities na hahanapin mo sa isang babae, nasa kanya. Magaling magluto, maa­laga…”

Pinagluto na siya ni Heart??

“Hindi lang naman ako. Nagdadala siya ng pagkain for everyone! Ha! Ha! Ha!”
Masarap ba ang luto ni Heart?

“Sabi niya, ipapatikim pa raw niya sa akin ‘yung specialty niya, eh! So hangga’t hindi niya pa napapatikim sa akin ‘yung specialty niya na Spanish dish…”

Type niya ba na pinag­luluto siya ng girl?

“Oo, siyempre! Isa ‘yan sa mga qualities na dapat,” nakangiting pakli ni Chard.

***

So, ‘torn’ siya nga­yon sa pagitan ng dalawang girls (Heart at KC Concepcion)? “Well, mahirap talaga ang kalagayan ko nga­yon! Ha! Ha! Ha! Hindi, pero masaya ako. Kasi, maraming blessings na dumarating at maraming good experience akong nae-experience ngayon and I’m just very thankful.”

Kung isang pagkain si Heart, ano kaya ito para kay Chard? “Isa siyang sweet & spicy Spanish dish!” hirit ni Richard, na gumaganap bilang si Grecko Abesamis aka Agent Phoenix na naging isang cyborg at tinawag na Codename: Asero. (abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories