2008-07-22

News: Marian, nagpaka-fan kay Juday  

0 comments

ANG ganda ng mga eksena sa backstage ng Los Angeles Sports Arena habang nagaganap ang Eat Bulaga Grand Fiesta nu’ng Sabado nang gabi (LA time). Nagkita-kita sa dressing room ang specials guests ng show na sina Judy Ann Santos & Ryan Agoncillo at Marian Rivera & Dingdong Dantes.

Maagang dumating sa venue sina Juday-Ryan na sinundan maya-maya ni Dingdong. Si Marian ay natagalan dahil kinulot pa raw ang buhok ni Dyesebel. Lumabas ang pagka-fan ni Marian nang magpa-picture siya kasama ni Judy Ann.

Parang excited na excited siya nang magtabi silang dalawa at hiniritan ang manager niyang si Popoy Caritativo ng, “Momsy, pik­tyuran mo pa kami nang marami!” na ikinaaliw ni Juday.

Hindi naman napigilang pansinin ni Juday ang kurbada ni Marian na kitang-kita ang hubog sa suot nitong baby pink dress.

“Ang sexy-sexy mo!” ang nakangiting bulalas ni Juday kay Marian.
Naunang natapos ang portion nina Juday-Ryan kaya mas nauna rin silang umalis ng venue.

Bago lumabas ng dressing room ay pinag-pose muna namin ang Kapamilya couple at ang Kapuso star na si Marian. Hindi naka-join si Dingdong dahil nasa may stage na ito at naghahanda nang isalang.

Habang tumatagal ay parang lalong nagiging sweet ang engaged nang sina Juday-Ryan.

Panay ang lambi­ngan moments nila sa may dressing room at kunyari ay nadi-­distract sila pag kinukunan namin ng picture ang kani­lang pagmu-moment.

After the show, pagbalik namin ng hotel namin na Radisson LA-Westside (Culver City) ay naabutan naming nagkakarga ng mga bagahe nila ang mag-sweetheart. Nag-checkout na sila sa hotel namin para lumipat sa bahay ng isang friend nila sa Hacienda Heights, malapit sa West Covina.

Sabi sa amin ni Ryan ay mahabang pahinga lang ang gagawin nila roon at hindi na sila mamamasyal.

Martes (Hulyo 22) ang alis nila ng LA at sa Hulyo 24 (Huwebes) ang dating nila sa ‘Pinas.

***

Na-conscious-conscious si Marian Rivera nang pansinin namin ang agaw-pansing cleavage niya sa suot niyang pink dress nu’ng LA show ng Eat Bulaga.

Bigla siyang nailang at tinakpan niya ang dibdib niya. Dayalog namin sa kanya, dapat niyang ika-proud ‘yon dahil nabiya­yaan siya ng ganu’ng boobs at hindi siya flat-chested.

Enjoy mag-shopping si Marian pag nasa Amerika. Sa Camarillo raw sila unang nagpunta ng mana­ger niyang si Popoy Cari­tativo para mamili, tapos ay sa so­sing Rodeo Drive kung saan paborito nilang dalawa mag-shopping.

Kung shoppingera si Marian ay hindi rin patatalbog sa pagka-shoppingero ang Dyesebel leading man niyang si Dingdong Dantes.

Nang minsang umuwi ng hotel si Dong ay nakita namin siya at ang mana­ger niyang si Perry Lansigan na santambak ang bitbit na shopping bags.

Lunes (Hulyo 21) ang alis ni Marian sa LA. Si Dingdong ay Lunes din ang alis at gabi ng Hulyo 22 (Manila time) ay nasa ‘Pinas na raw siya.

May shoot si Dingdong ng commercial sa Hulyo 23 at 24, tapos ay isa siya sa mga rarampa sa Araneta Coliseum sa Biyernes (Hulyo 25) sa BLACKOUT: The Bench Denim & Underwear Show na pinaghandaan niya nang husto. (abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories