2008-08-02

News: Billy, nahiya nang mag-topless  

0 comments

Sabi ni Billy nang makausap namin, hindi niya in-expect na kukunin siya ng Human dahil nakikita niya lang noon ang mga billboard nito at hindi talaga siya model kundi performer.

“Nagulat na lang ako nu’ng tinawagan nila ako. So, it’s a pleasure na nandito ako. Now that I’m representing Human, sobrang excited ako,” bulalas ni Billy, na first time na nagsuot ng skinny jeans nu’ng Human launch kaya medyo nanibago raw siya.

Nali-link ngayon si Billy sa co-host niya sa Pinoy Dream Academy na si Nikki Gil. Inamin niya sa aming luma­labas sila ni Nikki kasama ng ibang kaibigan, pero hindi niya raw nililigawan ang morenang singer-host.

“Sobrang mabait si Nikki at masaya kami ‘pag magkasama. But no, I’m not courting her. May ligaw pa ba? Naku, ang yabang! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Kasama si Billy sa 10 Celebrity Centerfolds ng 2008 Cosmo Bachelors at tapos na ang kanyang sexy pictorial na nag-bare top siya.

Nahiya raw siya sa ginawa niya dahil never pa siyang nag-pose nang gano’n. Nag-away pa raw sila ng manager niyang si Arnold Vegafria dahil doon (pero mas lambing daw ‘yon kesa away), pero after the Cosmo shoot ay happy siya sa resulta ng pagta-topless niya.

So, isa na siyang sex symbol ngayon? “Hindi, I’m only human. Hindi ako sex symbol!” natatawang hirit sa amin ni Billy. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng tatay-tatayan niyang si German Moreno na ma­laki ang tampo sa kanya (dahil sa paglipat niya sa ABS-CBN). Masyado raw kasi siyang busy at tila hirap pa siyang humanap ng tiyempo.

“To be honest with you, gusto ko talaga siyang kausapin. So, Ku­ya Germs (sabay tingin sa mga nakatutok na TV cameras), kung na­nonood man kayo, pwede po, mag-usap na lang po tayo? Mas maganda, ‘yun na lang,” sambit pa ni Billy na lilipad na ulit pa-Europa sa Setyembre 17.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories