2008-05-22

News: Alfred at Paolo, virgin sa bading!  

0 comments

Ipinagtapat nina Alfred Vargas at Paolo Contis kay Lolit Solis na wala pa silang mga “gay experience” sa birthday treat sa kanilang manager ng Forever Flawless owner na si Ruby Cuyuito noong Martes, May 20.

Hindi namin matandaan kung paano napunta sa mga gay experience ang topic ng kuwentuhan, pero walang kakurap-kurap na sumagot sina Alfred at Paolo nang “wala pa” nung tanungin sila tungkol sa pagkakaroon ng “gay experience”.

***

Si Paolo ang na-roast nang husto sa kuwentuhan dahil sa obserbasyon na may ginagawang kakaiba ang mga babae na kanyang nakakarelasyon at hinihiwalayan.

Namula ang pisngi ni Paolo nang ipaalaala sa kanya na nagpakasal sa kapwa babae ang isa sa kanyang ex-girlfriend at ipinabago naman ng another ex-lover ang mukha nang wakasan niya ang pakikipagrelasyon.

***

Engrande ang presscon ng United Shelter Health Products para kay Gabby Concepcion, ang bagong endorser nila ng Lucida-DS Glutathione, isang klase ng whitening pill.

Idinaos ang presscon sa isang five-star hotel noong Martes nang gabi at kahit malakas ang ulan, in full force na dumating ang mga invited guest na pumuno sa ma­lawak na ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel.

Kumbaga sa isang pelikula, certified blockbuster ang presscon para kay Gabby.

Sa open forum, ikinuwento ni Gabby na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang offer na maging image model ng Lucida-DS dahil naniniwala siya sa produkto na on-line na nabibili sa Amerika.

Incidentally, duma­law na si Gabby kay Rudy Fernandez sa ospital at kasama niya sa pagdalaw ang kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano.

Pinasalamatan ni Gabby ang mag-asawang Rudy at Lorna Tolentino sa pagpapakilala sa kanya kay Mommy Rose dahil ito ang nakatulong sa aktor para makauwi sa Pilipinas.

Malapit kay Mommy Rose sina Rudy at LT dahil ninang siya sa kasal ng mag-asawa.

Si Mommy Rose ang madalas magsama kay Rudy sa Amerika tuwing may laban sa boxing si Manny Pacquiao.

Si Mommy Rose ang kasama nina Lorna at Rudy sa Hawaii at dito nila nakita si Gabby. Ang chance encounter sa Hawaii ang naging daan para magkakilala sina Mommy Rose at Gabby. The rest is history.

***

Natutuwa si Angelika dela Cruz dahil marami ang pumupuri sa performance niya sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Pagkatapos ng last taping day ng Babangon, pupunta sa Europe si Angelika para sa isang event ng GMA 7 Pinoy TV sa Milan, Italy. Makakasama niya sina Allan K. at Marvin Agustin.

Sasamantalahin ni Angelika ang pagkakataon para madalaw niya sa Austria ang kanyang lola sa mother side na may Alzheimer’s Disease.

***

Nag-celebrate ng 28th birthday si Dr. Hayden Kho sa Mag-Net Bar sa Bonifacio Heights noong Martes nang gabi. Very intimate ang party dahil mga malalapit na kaibigan ni Hayden ang imbitado. Rock ang theme ng party kaya rockstar na rockstar si Hayden sa kanyang outfit.

Ang girlfriend na si Dra. Vicki Belo ang nakatulong ni Hayden sa pag-aasikaso sa kanyang mga bisita.

Sa nakaraang guesting sa Showbiz Central, sinabi ni Hayden na perfect health para sa mga magulang niya at kay Dra. Belo ang kanyang mga birthday wish.

Malapit na uling mapanood si Hayden sa TV dahil kasama siya cast ng Kim Sam Soon na pagbibidahan ni Regine Velasquez. Nagdesisyon si Hayden na mag-concentrate muna sa kanyang showbiz career. (abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories