News: Pink na kotse na regalo ni Gerard, nilait-lait ni Kim!
Labels: pep 0 comments
BAGO mag-debut si Kim Chiu noong nakaraang buwan, inasam niya na magkaroon ng kotse na kulay pink. At matapos ang kanyang debut, isang kulay pink na kotse ang iniregalo sa kanya ni Gerard Anderson.
“Hindi ko naman inaasahan na magreregalo si Gerard ng kotse na pink.
After ng debut ko, kumain kami ng mga kasama ko sa Eastwood. And then, bigla na lang may kulay pink na kotse na pumarada sa harap namin.
“Sabi nila, maganda `yung kotse. Pero ako kasi, hindi ako nagandahan, kasi light lang `yung pagka-pink niya. Dark pink kasi ang gusto ko. Nilait-lait ko pa `yung kotse.
“Sabi ko pa, parang ang hirap-hirap namang i-drive. And then, biglang lumapit na lang si Gerard sa lugar namin. Niyaya niya ako na i-test drive `yung pink na kotse. Gulat na gulat ako,” kuwento ni Kim.
Prangkahang sinabi ni Kim na hanggang ngayon ay hindi pa niya ginagamit ang kotse na regalo ni Gerard.
“Hindi pa, kasi palaging may shooting, kaya van ang ginagamit ko, dahil marami akong dinadalang gamit. At saka, wala pa sa pangalan ko `yung kotse,” nakangiting kuwento pa rin ni Kim.
Sinasabi ni Kim na wala pa silang relasyon ni Gerard. Pero, hindi ba nakakatakot `yon na tumanggap na siya ng regalong kotse mula sa binata?
“Nung una natakot ako, nahiya akong tanggapin ang regalo. Sabi nga ng papa ko, isoli ko raw. Eh, nakakahiya naman, kasi regalo nga `yon. Sabi ko nga, bakit mo ba ako binigyan ng kotse, ang mahal pa naman noon.
“Sabi ng papa ko, maghati na lang daw kami sa bayad. Pero, ayaw talaga ni Gerard, kasi sa akin daw ‘yon, regalo raw. Nakakahiya talaga,” kuwento pa rin ni Kim.
Sabi, siguradong mauobliga na si Kim na sagutin si Gerard, lalo na at nagregalo na ito ng kotse sa kanya. Aba, kahit na sabihin pang second hand lang `yung kotse, kotse pa rin `yon, `no!
“Eh, gift lang naman `yon. Grasya ‘yon, ‘di tanggapin,” nakangiting say niya.
Siyanga pala, ngayon pa lang ay puring-puri na si Kim dahil sa magandang performance niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pinoy version ng Koreanovela na My Girl.
Sa teaser pa lang, bagay na bagay kay Kim, at mukhang hindi siya umaarte sa lahat ng eksena niya. Pahayag pa ni Kim, ganun talaga siya sa tunay na buhay, na bungisngis, at kikay na kikay.
Sa May 26 na ipalalabas ang My Girl, na dinidirek nina Erick Salud at Jerome Pobocan.
0 comments: to “ News: Pink na kotse na regalo ni Gerard, nilait-lait ni Kim! ”
Post a Comment