Robi, may ‘K’ maging big winner sa ‘PBBTE’
Labels: Robi, TV Ratings 0 commentsINTERESTING ang episode ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus nu’ng nakaraang Lunes na kung saan humarap ang limang housemates sa grand council na mga dating kasamahan nila sa PBB house.
Kahit may pagka-pretensyoso at malisyoso ang tanong ng ilang dating housemates, maayos pa rin namang nasagot ng lima.
Sa sagot ng limang teen housemates, si Robi ang pinaka-totoo sa lahat at matapang na kayang panindigan ang sariling prinsipyo at paniniwala.
Kaya siya ang gustung-gusto naming big winner.
Boto rin kami sa big four na sina Ejay, Beauty at Alex.
Type namin ang karakter ni Beauty na tiyak kaaaliwan ito kapag artista na siya. Magpapayat lang, dahil sobrang laki talaga ng mukha.
Okay din si Nicole at tingin ko gagawing loveteam na sila ni Josef dahil may kilig-factor silang dalawa.
Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS CBN 2 nu’ng nakaraang Lunes (June 3):
SIS 8.7 vs. Boy and Kris 7.5, The Big Show 11.6 vs. Game Ka Na Ba 11.2, Eat Bulaga 20.5 vs. Wowowee 16.2, Daisy Siete 22.2 at Magdusa Ka 21.1 vs. Ligaw na Bulaklak 14.1, Kaputol ng Isang Awit 22 vs. El Cuerpo 16.8, Gobingo 13.5 vs. Wheel of Fortune 8.4, 24 Oras 28.8 vs. TV Patrol World 18.1, Joaquin Bordado 36.8 vs. The Singing Bee 22.6, Dyesebel 41 vs. Lobo 22.6 at My Girl 22.8, Babangon Ako’t Dudurugin Kita 30.6 vs. PBB Teen 27, Pinoy Idol Extra 17.6 at Kung Ako Ikaw 14.3 vs. Lovers 14.2 at Bandila 6.3.
0 comments: to “ Robi, may ‘K’ maging big winner sa ‘PBBTE’ ”
Post a Comment