2008-05-10

Katrina, kinati sa tusuk-tusok ni Dennis  

0 comments

NANG tanungin si Katrina Halili kung ano ang lasa ng halik ni Dennis Trillo sa kissing scene nila sa sinenobelang Magdusa Ka, sinagot niya na hindi raw niya masyadong nalasahan.

Na-distract daw siya sa balbas ni Dennis.

“Gusto ko sanang ma-feel pero naramdaman ko kasi ‘yung balbas niya sa mukha ko, natusuk-tusok ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Katrina.

“Hindi ko masyadong naramdaman, kasi, na-distract talaga ako. Hayun, nagka-allergy tuloy ako sa mukha.
“Nagpa-derma ako kaagad ako, kasi, kumati ‘yung mga tusuk-tusok sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha! Sensitive na pala ang skin ko, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” Nasubukan naman niyang mahalikan si Dennis noon sa telefantas­yang Majika.

Hindi raw matindi ang halikan nila roon.

“Mas marami kaming kissing scenes ni Dennis dito, kasi, may relasyon kami rito, tapos, itatanan pa niya ako. Kaya magbibilang kayo ng laplapan namin! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sinasanay ko na ang sarili ko sa balbas ni Dennis. Ayoko nang masira ang concentration dahil sa balbas niya! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kung bongga ang career ni Katrina ngayon, zero raw ang love life niya. Wala raw siyang manliligaw ngayon.

“Naku, maniwala kayo! Ako naman, aaminin ko kung meron, ‘di ba? Honest naman ako, eh.

“Ngayon talaga, wala. Ewan ko kung bakit. Hindi na yata nila ako type! Ha! Ha! Ha! Ha!” ha­lakhak ulit ni Katrina.

Hanggang sa text lang daw puwedeng abalahin si Katrina ng mga lala­keng may hangad na ligawan siya.

Sa sobrang hectic daw ng schedules niya, hindi na raw niya kayang mag-entertain ng manliligaw.

“Pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag dumating na ang magandang break sa akin, focus ko na talaga ang trabaho. Tsaka na ang mga boylets, ‘di ba? Work na muna tayo.

“Eh ang mga lalake pa naman ngayon, gusto nila na sila ang puntahan mo.
“Hello, hindi ako ga­no’n, ‘no! Ako ang dalawin nila para malaman nila kung may pag-asa sila.

“Kung hindi rin lang sila gano’n, huwag na lang. Mas importante ang trabaho kesa lalake, ‘di ba?” sey pa ni Katrina. (Abante)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories