Paolo, napalapit sa Diyos dahil kay Abby…
Labels: Paolo Bediones 0 commentsNgayon pa lang, nakakaramdam na ng takot si Paolo Bediones sa pagtira sa isang isla sa loob ng 39 na araw. Si Paolo nga ang napiling mag-host ng Survivor Philippines, ang bagong show ng GMA 7, na gagawin sa isang isla sa labas ng Pilipinas.
“I don’t know kung makakaya ko. Lahat kami medyo kinakabahan Ang payo nga sa amin, we should put on a few pounds, para may excess energy kami na magagamit namin,” sabi ni Paolo nang makatsikahan namin sa ginanap na auditions ng Survivor Philippines sa Iloilo last Thursday.
Hindi nga naman biro na malayo ka sa mga taong mahal mo sa loob ng 39-days.
“‘Yung kaba, really comes from, ano kaya ang gagawin namin kapag may oras kami. May day-off nga kami, pero saan ka pupunta?
“Unless may magdala ng maraming DVD. Kung magdadala ka naman ng books, baka isang araw lang, mabasa mo na lahat `yon,” sabi ni Paolo.
Aminado si Paolo, malaking pagsubok sa relasyon nila ni Abby Cruz ang paghihiwalay na ito. Isang bagay na raw ito na hindi nila nagagawa mula noong magkarelasyon sila.“That’s a test, for sure, no doubt about it. But, it’s really about prayers.”
Kaya nga ngayon pa lang ay sinusulit na ni Paolo ang panahon niya kay Abby. Habang may oras siya, ibinibigay niya ang lahat ng pagmamahal sa kanyang girlfriend.
“Parang invest ka nang invest, na by the time na umalis ka, may maiisip ka na magagandang memories.”
Naikuwento nga pala ni Paolo ang malaking pagbabago sa buhay niya mula nang makilala niya si Abby. Sabi ni Paolo, dahil kay Abby, napalapit siya sa Diyos.
Magkasama sina Paolo at Abby ngayon sa isang grupo ng mga Born Again Christian. At masaya siya sa bagong karanasan na ito sa buhay niya.
Anyway, maraming briefs, libro, at laptop (na may picture ng mga mahal niya, kasama siyempre si Abby) ang ilan sa mga dadalhin ni Paolo sa naturang isla.
Alam ni Paolo na hindi lang ang lungkot sa naturang isla ang puwede niyang maranasan, pati na ng buong staff and crew ng GMA 7, at ng 16 na castaways.
Nandiyan nga raw ang pahamak sa sandaling umulan o bumagyo sa naturang isla, o ang mga mababangis na hayop sa paligid. ‘Yun daw ang mga bagay na pinaghahandaan nilang mabuti, para sa sandaling mangyari `yon, handa silang lahat.
“Ang daming mga unknown factors that, you know, no matter how hard we try to prepare ourselves mentally here, wala, eh. I can say right now, na kayang-kaya ko `yan, pero baka kapag nanduon na kami, ano ba ang gagawin namin?”
Well, para sa mga bading at girls na fans ni Paolo, siguradong maaaliw silang panoorin ang binata sa show na ito kapag ipinalabas na. Ipinangako nga ni Paolo na magpapakita siya ng konting laman para sa mga fans na matagal na ring naghihintay na masilipan o mabosohan siya.
Siyanga pala, libu-libong Ilonggo ang dumayo sa SM City sa Iloilo para sumalang sa auditions. Lahat sila ay may kanya-kanyang kuwento ng buhay, na sabi nga ay puwede mong ilagay sa pelikula.
Lahat sila ay naghahangad na manalo ng tatlong milyong piso, at makilala sa buong Pilipinas.
0 comments: to “ Paolo, napalapit sa Diyos dahil kay Abby… ”
Post a Comment