2008-06-08

Blind Item: AKTOR, PUMISAN SA BADING  

0 comments

KAIINGGITAN na naman ng mga bading ang isang bading na talent manager dahil sa bago niyang dyowa.

Ang gwapong young actor na pinapantasya ng marami ay nasa poder na ng bading na talent manager.

Nalokah ang kaibigan naming bading habang ibinabalita nito sa amin ang tungkol dito.

Hindi niya sukat akalain na titira sa poder ng bading ang guwapong young actor.
Matagal nang magkakilala ang young actor at ang bading.

Isa sa malakas na impluwensya ang bading para makapasok sa showbiz si young actor.
Pinaghirapan ni ba-ding na maging maamo sa kanya si young actor.

Ipinakita nito ang kanyang sinseridad sa kapa-kanan ni matinee idol.

Nang magkaproblema ang young actor sa kanyang tinitirhan, inialok ni bading ang kanyang bahay.

Komo subok na ni young actor ang sinse-ridad ni bading, pumisan ito sa bahay ni bading.

Tinanggap din ni bading ang ibang res-ponsibilidad ni young actor gaya ng pagbibigay ng pera sa mga kaanak ng aktor kapag kinakapos ito ng pera.

Kapag kailangan ng iba pang mga gamit sa showbiz, si bading muna ang gumagastos.
Pati ang mga item na ibinibigay ni young actor sa nililigawan nitong girl sa showbiz, si bading ang gumagastos kesehodang mahal ang regalo.

Platonic relationship pa lang meron ang dalawa kahit malaki na ang nagagastos ni bading kay young actor.

Mukhang okey lang ito kay bading. Handa siyang maghintay kung kailan ‘bibigay’ si young actor.

Ganito ang strategy ni bading sa isang sikat na sexy stud at sa isa pang macho ring aktor.

Kahit wala na sila ng mga nakarelasyon niya, may communication pa rin si bading sa kanyang mga ex.

***

Dapat batukan para matauhan ang isang starlet na comedienne sa ginagawa nito sa sarili.

Pinatulan ng hitad ang isang politician na babaero at may asawa. Lantaran na ang relasyon ng komedyana at ng politician from the North.

Minsan ay naimbita-han si politician sa isang affair para mag-speech. Sa kalagitnaan ng party, dumating si ko-medyana. Bumati sa madla si komedyana. Hindi agad siya umalis. Nagtagal siya kasama si politician.

Noong una, parang magkakilala lang ang turingan sa isa’t isa nina politician at ko-medyana.

Nang nagtagal na at pareho na silang nakainom, naging affectionate sa isa’t isa ang dalawa sa harap ng kanilang mga kasama.

Nakaakbay ang politician sa komedyana. Nang lumalim pa ang gabi, humahalik na si politician sa pisngi ng katabi.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories