2008-07-27

Blind Item: Aktor, pa-booking sa bading  

0 comments

NAGBEBENTA ng kanyang katawan ang isang guwapong aktor na naging member ng isang all-male group na nakilala sa TV.

Matagal nang naba­balitaang nagpalipat-lipat si aktor (na hindi masyadong matangkad) sa mga bading. Kamakailan ay naka­tsika namin ang dala­wang bading at dalawang babaeng bakla, at sabi ng isa sa dalawang babaeng bakla, nagpa-booking ang aktor sa kaibigan niyang bading na galing sa ibang bansa. May contact number ng aktor ang isa pang babaeng bakla na kasama nila.

Ito ang gumawa ng paraan na mag-meet ang actor at ang balikbayang bading. “Mama! P5,000 ang asking price ni …(pangalan ng actor)!” tili ng kausap naming babae“Satisfied naman ang lolo kaya give na niya ‘yung 5 thou.” Tumaas ang market value ni actor mula nang magkaroon siya ng ilang projects sa telebisyon at pelikula.
Noong hindi pa siya nag-aartista, ang presyo lang niya sa mga bading ay P1K hanggang P2k.

‘Yung dating tumutulong sa kanya para kumuha ng modeling jobs, binigyan lang siya ng P500. Paano kasi, hindi na kumukubra ng komisyon ang bakla dahil “love” niya noong mga panahong iyon ang aktor at hindi ito nawawalan ng projects sa kanya.

Hindi kataka-takang nagpakalublob na sa putikan ang aktor dahil wala siyang ibang napagkukunan ng pera. Hindi sapat ang maliit na negosyo nila sa pro­binsya para sa mga panga­ngailangan ng kanyang mga magulang at pinapaaral pang kapatid.


Read more...
2008-07-17

Blind Item: Sexy young actress, parang asong sunod nang sunod sa sexy young actor!  

0 comments

HANGGANG nga­yon ay hindi pa rin ma-get over ng young actress na ito ang kanyang failed relationship sa isang sexy young actor. Kelan lang daw ay nakita ang young actress na naka-park ang sasakyan sa labas ng condominium building na kung saan may unit ang sexy young actor.

Ilang beses na raw nakikita roon ng security guard ang young actress.

Magpa-park lang doon si young actress ng ilang minuto sabay aalis na raw. As in, every other day daw niya ito ginagawa. Na para siyang asong sunod nang sunod sa sexy young actor!

“Akala ko ba nag-move on na siya?” tanong ng source namin na close sa young actor.

“Hindi ba super pa-interview siya na kiyemeng I’ve gotten over him ek-ek. Hindi pa pala! In-denial lang pala siya. May feelings pa rin siya kay sexy young actor. Kaso nga hindi na siya gusto, eh. Kaya move on na girl!”

Nagpalit na ng mga contact numbers niya si sexy young actor dahil nakakatanggap ito ng mga kung anu-anong text messages na galing sa anonymous cell number. Minsan daw ay mini-miss call siya.

“Ayaw naman mag-presume ni sexy young actor na si young actress iyon kaya minabuti niyang magpalit na lang ng numbers,” ayon sa aming source.

“Natakot kasi si sexy young actor sa mga messages. May mga words na hindi na niya nagugustuhan. Parang nananakot ‘yung nagpapadala sa kanya ng text.

“Kesa naman ma-bother siya sa trabaho, magpalit na lang siya ng numbers. Hayun, natigil ang mga walang kuwentang text sa kanya.”

Pero patuloy pa rin daw na nakikita ang sasakyan ng young actress na dumadaan sa condo building ni sexy young actor.

Wala ngang clue ang young actress na ang ma­nager na ni sexy young actor ang nakatira roon at lumipat na sa isang undisclosed address ang sexy young actor.

For safety and security purposes daw kaya naghanap ng ibang titirhan ang sexy young actor.


Read more...
2008-07-16

Blind Item: GUWAPONG AKTOR, BASTOS!  

0 comments

Sinamahan namin si Lorna Tolentino nang mag-guest ito sa ASAP nu’ng Linggo. Habang on-going ang tribute kay Rudy Fernandez, nakabantay kami sa backstage at nanonood sa monitor.

Maya-maya, pumasok sa backstage ang isang guwapong aktor na miyembro ng dating The Hunks dahil sila ang susunod na magpe-perform.

Nakakaiyak ang mga awitin ng mainstays ng ASAP sa tribute kay Kuya Rudy, pero na-distract kami sa guwapong aktor na nasa backstage.

Habang naghihintay ang guwapong aktor at nakaupo sa hagdanan ng stage, may nakapasak na earphone sa dalawang tenga niya at pinapakinggan ang kakantahin nila. Iniensayo ni guwapong aktor ang kanyang kakantahin.

Nakakalungkot ang kinakanta ng mga si­ngers sa entablado at nag-e-emote na sana ka­ming nanonood sa monitor, pero itong si guwapong aktor ay walang pakia­lam na nagkakanta na sobrang lakas!

Mabuti na lang at natatabunan si gwapong aktor ng malakas na orchestrang tumutugtog sa entablado.

Nagtaka kami dahil siya lang mag-isa ang nandoon at nagpapraktis ng kanta.
Wala roon ang iba pa niyang kasamahang hunks.

Bakit doon pa siya pumuwesto sa likod ng stage at nagsisigaw sa pagkanta? Pwede niyang gawin ‘yon sa dressing room nila o sa ibang sulok ng studio, hindi sa may likuran mismo ng stage na may mga kumakanta pa.

Hindi namin alam kung nagpapansin o may kabastusan itong guwapong aktor na walang pakialam kung meron pang kumakanta sa may stage mismo.

Ang ilang staff na nakakita sa kanya ay hindi ito masaway kaya kinakausap na lang nila para hindi na ito magpa­tuloy sa pagkanta.

Kapag wala nang kumakausap sa guwapong aktor, tuloy na naman siya sa pagkanta na pagkalakas-lakas! Hindi yata siya aware na nagsisigaw na siya sa pagkanta dahil naka-earphone siya. Iisa pa lamang naman ang aktor na ito sa pagpapapansin. Ang iba niyang kasamahan ay cool lang at walang ganu’ng drama. (Abu Tilamzik)


Read more...
2008-07-14

Blind Item: Negosyante, nagbigay ng kotse sa sexy star  

0 comments

GENEROUS ang businessman na nali-link sa isang controversial actress. Ang businessman na ito ang nagbigay ng kotse sa isang sexy star na dating miyembro ng isang sexy group.

Madalas nakikipagkita noon si businessman sa sexy star. Natigil ang pagkikita ni businessman at sexy star dahil nabuntis ng isang showbiz-wannabe si sexy star.

Si businessman ay nali-link din sa ilang girls na miyembro ng dance group na kasali sa isang noontime show.

Aware kaya si controversial actress sa mga bali­tang ‘yon sa businessman na nali-link sa kanya?

***

Dahil sa pagbe-belly dancing para sa promo ng Codename: Asero, napansin ang maumbok na puwet at boobs ni Heart Evangelista.

May mga nag-akalang nagparetoke si Heart ng puwet at boobs kaya very prominent ang mga ‘yon.

Pero ayon mismo sa dalaga, mali ang dudang ‘yon. Wala raw siyang pinaretokeng kahit na ano.

“Natuwa na nga lang ako sa observation ng iba na baka nagparetoke ako. Of course not.

“Medyo naging prominent lang ‘yung behind at boobs ko dahil sa klase ng sayaw, ‘yung belly dancing nga,” sabi ni Heart.

Hindi lang sa promo ng Codename: Asero nag-belly dancing si Heart. Mismong sa series ay mapapanood ang pagbe-belly dancing ng dalaga sa disyerto ng Dubai.

Excited si Heart sa pagpi-premiere mamayang gabi sa GMA 7 (pagkatapos ng 24 Oras) ng first team-up nila ni Richard Gutierrez.

“Medyo kinakabahan na ako. First show ko ito sa GMA 7 at first team- up din namin ni Chard,” pahayag pa ni Heart.

***

Nasa The Buzz na si Ruffa Gutierrez kahapon. Maraming nag-usisa kay Ruffa tungkol sa pagbabakasyon niya sa Europe. Sey ni Ruffa, nagtataka siya kung bakit maraming interesado sa pagpunta niya sa Europe.

Nagbakasyon lang daw siya sandali dahil malapit na nga siyang magsimulang mag-taping para sa I ♥ Betty La Fea.

Once kasi na mag-start na ang taping ng bago niyang series sa ABS- CBN ay hindi na siya makakapagbakasyon pa.

Nakatakda ring mag-start si Ruffa ng shooting ng Desperadas 2.


Read more...
2008-07-10

BLIND ITEM: AKTRES, PINAGSABIHAN NG KAPWA AKTRES  

0 comments

NOON pa man ay irita na si actress B kay actress A na kasama niya sa iisang TV network. Nagkabanggaan na sila minsan pero itinanggi nila iyon.

Nang magparlor si actress B kamakailan ay nagsumbong sa kanya ang isang hairstylist na kesyo tinalakan ito ni actress A.

Hindi raw as in talak na talak, pero hindi nagustuhan ni hairstylist ang mga pinagsasabi sa kanya ni actress A.

Nitong nakaraang linggo ay may taping si actress B sa parlor na pinagtatrabahuhan ng hairstylist.

Dumating si actress A para magpaayos sa parlor. Naalala ni actress B ang sumbong sa kanya ng hairstylist. Pinag-usapan nina actress B at hairstylist ang insidenteng iyun. Pinaringgan nila si actress A.

Maya-maya, lumabas ng parlor si actress B para magyosi. Sinundan siya ni actress A.
Sabi ni actress A, alam niyang siya ang pinapa­ringgan nina actress B at hairtstylist.
Gusto lang sana niyang magpaliwanag. Kaso, pinagsabihan agad ni actress B si actress A na sa tagal niya sa trabahong ito, never siyang naging insecure at nanghamak ng taong katrabaho. Hindi na nakapagsalita si actress A. Bumalik si actress A sa loob ng parlor at umiyak.


Read more...
2008-07-08

Blind Item: YOUNG ACTOR, GALIT SA AKTRES  

0 comments

Galit pala ang young actor sa dating girlfriend niyang isang kilalang aktres dahil inisnab nito ang kanyang ama.

Nagkita-kita sila sa isang variety show kamakailan kung saan sina­mahan si young actor ng kanyang daddy.

May mga kasamang kaibigan ang daddy at gusto sana nilang magpa­litrato sa kilalang aktres na ex-girlfriend ng young actor.

Kampanteng tinawag ng daddy itong kilalang aktres para magpalitrato ang mga kaibigan nito, pero tiningnan lang siya ng aktres sabay alis.

Napahiya ang daddy ni young actor dahil close daw ang aktres sa kanya nu’ng boyfriend pa nito ang anak niyang young actor.

Welcome nga raw ito sa bahay nila na laging nakababad sa kuwarto ni young actor, nagsumbong ang daddy sa kanyang anak kaya galit na galit ang young actor sa dating girlfriend.

Kapag tinutukso namin ang young actor sa kilalang aktres, hindi magandang komento ang naririnig namin mula dito.

Hindi na bago ang ganitong pang-iisnab ng kilalang aktres sa mga gustong magpalitrato, pero hindi namin akalaing iisnabin niya pati ang daddy ng dating boyfriend niya na naging mabait sa kanya.


Read more...
2008-07-07

Blind Item: Dalawang aktres, matindi na ang away  

0 comments

ISA sa mga araw na ito, pag-uusapan ang away ng dalawang sikat at kontrobersyal na aktres na magkasama sa isang mala­king TV network.

Nagkaroon na noon ng intriga itong dala­wang kilalang aktres pero hindi gaanong pinag-usapan dahil pareho nilang itinanggi.

Ngayon ay iba na. Nagkabanggaan daw talaga ang dalawa, ewan kung itatanggi pa rin nila!

***

Pinakaiwas-iwasan ni Mark Herras ang isyung inili-link siya kay Kylie Padilla dahil nakakahiya raw kay Robin Padilla.

Tingin ko naman, hindi pa ito magugustuhan ni Mark dahil sobrang ba­gets pa raw.

Nagtataka si Mark kung bakit naging isyu pa sa Startalk na na­ging sila ni Rhian Ramos.

Itinatanggi rin ito ng huli at sabi rin ni Mark, hindi niya niligawan si Rhian.

Kahit MU raw ay hindi. Naging close friends lang daw sila. Pero isang malapit sa Startalk at kay Mark na rin ang nagkuwento sa aming naging sila talaga noon dahil nakakasabay raw nilang mag-date ang dalawa. Maaaring friendly date lang iyun, pero kahit off the record ay never inamin sa amin ni Mark na nagkarelasyon sila ni Rhian.

Inamin din ni Mark na nagkaroon sila ng komunikasyon ng dating girlfriend niyang si Lian Paz pero hanggang text lang daw.

Nagpalit daw si Lian ng phone number niya noon, at finorward sa kanya ang bagong number kaya sinagot daw niya ito.

Nag-text-text lang daw sila for awhile, pero hanggang du’n lang, kaya walang katotohanan daw iyung isa pang isyung nagkabalikan sila.

Happy si Mark nga­yon. Loveless siya pero tahimik ang buhay niya. Ayaw niya munang ma-involve sa kung kaninong girl dahil mas mabuting sa trabaho na lang daw siya mag-concentrate.

Sa totoo lang, marami pa rin ang kinikilig sa tambalang Mark at Jenny­lyn. May mga nag-text pa sa akin nu’ng na-phone patch si Jennylyn kay Mark sa Startalk, iba pa rin daw ang dating nila at nandiyan pa rin ang pag-asa ng fans nila na pagdating ng araw, sila pa rin ang magkatuluyan.

Sa nalalapit na panga­nganak ni Jennylyn, iniiwasan na nitong pag-usapan si Patrick Garcia dahil ayaw na niya ng mga negang isyu.

Mas positive pa sa kanya si Mark, sa totoo lang.

***

Naging totoo lang si Mommy Carol Santos sa sagot niya sa Startalk na kung siya ang masusunod, ayaw niyang makita ang ama ni Judy Ann Santos kapag ikinasal na ito kay Ryan Agoncillo. Pero alam naman daw niyang magpipilit at gusto ni Juday na ang ama nito ang maghahatid sa kanya sa altar kaya tatanggapin niya kung iyun ang desis­yon ng kanyang anak.

Alam niyang dream ni Juday na magsama-sama sila sa isang litrato kaya walang magagawa si Mommy Carol. Kahit labag sa kanyang kalooban, hahayaan na niya iyun para sa kanyang anak.
Naalala niya nu’ng ikinasal si Jeffrey Santos, dumating ang ama nina Jeffrey at Juday.
Hindi ito nakasama ni Mommy Carol sa litrato.

Pero ngayon, kung iyun ang gusto ng kanyang anak, wala na raw siyang magagawa.

***
Lalong dumami ang nagkainteres na makita ang kuma­kalat na sex scandal daw ni Aljur Abre­nica.
Nang sinilip namin ito, medyo kahawig nga kay Aljur pero naniniwala kaming hindi siya. Ito rin yata ang sex video na ibini­bintang sa isang hunk actor.

Nag-react ang ilang fans ni Aljur dahil tingin nila, sinisiraan lang ng Startalk ang young actor.
Sa totoo lang, mas makakatulong pa ito kay Aljurs dahil lalong nagka­roon ito ng sensuality na pinagnasaan ng mga babae’t bading.

Siya na rin lang ang napiling Starstruck hunk, dapat na panindigan na ito dahil hunk na rin ang dating niya.

Aware si Aljur na sa pagpapa-sexy na rin ang bagsak niya pero hindi pa siya ganu’n kahanda lalo na ang kanyang katawan.

Tingin niya, kulang pa at konting ensayo pa para gumanda ang katawan, pwede na siyang isabak sa paseksihan.

Siguro i-handle na lang ng mabuti ng GMA Artist Center itong isyung sex scandal niya. Baka mas makatulong kay Aljur itong isyu ng sex scandal kesa i-link siya sa napabalitang girlfriend daw niyang si Rich Asuncion. (ABU TILAMZIK)


Read more...
2008-07-03

‘Heartbreak Hotel’  

0 comments

'HEARTBREAK HOTEL’ – A young and popular actor (yes, he can act and act well) associated a resort hotel with heartbreak. There is where his erstwhile sweetheart broke his heart to pieces.

This is how the story goes. With their barkada they flew to a resort in the South over the weekend, wanting to get away from the hassle of Manila and enjoy a few days of bliss. At that time he and his sweetheart were madly in love with each other – or so he thought. She said he was her great true love. And the feeling was mutual.

But he was in for the shock of his life when during the first night at the resort hotel he saw his "great love" entering the nearby cottage of the TV host-model of foreign extraction. She stayed in the cottage for an hour while he stood bewildered from some distance, tormented by the thought that his "great love" was making love with the foreigner. What else could they be doing?

He kept quiet throughout the weekend even if his heart was breaking. He didn’t want to spoil the fun. But when he was all alone, he cried as he’d never cried before. Back in Manila he broke up with her.

The actor has recovered from the heartbreak but, truth to tell, the hurt still lingers.

•

PROUDLY PINOY – The brand sounds Italian, Mario D’boro, but it’s really a Pinoy product – and proudly so. Mario D’boro is the leader in providing quality footwear to Filipinos, men and ladies and children.

Its image models are Dingdong Dantes and Angelica Panganiban, coming from rival networks but sharing a fashion for shoes.

Angelica is a new endorser, but Dingdong has been with Mario D’boro even before ‘Marimar’ and ‘Dyesebel.’

At their pictorial, Angelica tried some one dozen shoes, wishing she’d bring home two or three pairs. After the shoot, all were placed in a bag – and given to Angelica. "Akin pala lahat," she smiled. Same with Dingdong, who disclosed that Mario D’boro supplies him shoes regularly.

Angelica and Dingdong look beautiful together. Is there a chance they’ll work in soap or a movie? It might take some doing as Dingdong is Kapuso (GMA), while Angelica is Kapamilya (ABS-CBN). But then who knows?

•

IN LOVE – Dingdong and Angelica are in love – not with each other, of course. He’s going steady with Karylle and she with Derek Ramsay. And the love stories seem to be holding despite showbiz pressure and hassle.

Dingdong is leading man to Marian Rivera in the toprating ‘Dyesebel.’ Angelica is in the cast of the upcoming star-studded soap ‘Iisa Pa Lamang,’ topbilled by Claudine Barretto.


Read more...
2008-06-08

Blind Item: AKTOR, PUMISAN SA BADING  

0 comments

KAIINGGITAN na naman ng mga bading ang isang bading na talent manager dahil sa bago niyang dyowa.

Ang gwapong young actor na pinapantasya ng marami ay nasa poder na ng bading na talent manager.

Nalokah ang kaibigan naming bading habang ibinabalita nito sa amin ang tungkol dito.

Hindi niya sukat akalain na titira sa poder ng bading ang guwapong young actor.
Matagal nang magkakilala ang young actor at ang bading.

Isa sa malakas na impluwensya ang bading para makapasok sa showbiz si young actor.
Pinaghirapan ni ba-ding na maging maamo sa kanya si young actor.

Ipinakita nito ang kanyang sinseridad sa kapa-kanan ni matinee idol.

Nang magkaproblema ang young actor sa kanyang tinitirhan, inialok ni bading ang kanyang bahay.

Komo subok na ni young actor ang sinse-ridad ni bading, pumisan ito sa bahay ni bading.

Tinanggap din ni bading ang ibang res-ponsibilidad ni young actor gaya ng pagbibigay ng pera sa mga kaanak ng aktor kapag kinakapos ito ng pera.

Kapag kailangan ng iba pang mga gamit sa showbiz, si bading muna ang gumagastos.
Pati ang mga item na ibinibigay ni young actor sa nililigawan nitong girl sa showbiz, si bading ang gumagastos kesehodang mahal ang regalo.

Platonic relationship pa lang meron ang dalawa kahit malaki na ang nagagastos ni bading kay young actor.

Mukhang okey lang ito kay bading. Handa siyang maghintay kung kailan ‘bibigay’ si young actor.

Ganito ang strategy ni bading sa isang sikat na sexy stud at sa isa pang macho ring aktor.

Kahit wala na sila ng mga nakarelasyon niya, may communication pa rin si bading sa kanyang mga ex.

***

Dapat batukan para matauhan ang isang starlet na comedienne sa ginagawa nito sa sarili.

Pinatulan ng hitad ang isang politician na babaero at may asawa. Lantaran na ang relasyon ng komedyana at ng politician from the North.

Minsan ay naimbita-han si politician sa isang affair para mag-speech. Sa kalagitnaan ng party, dumating si ko-medyana. Bumati sa madla si komedyana. Hindi agad siya umalis. Nagtagal siya kasama si politician.

Noong una, parang magkakilala lang ang turingan sa isa’t isa nina politician at ko-medyana.

Nang nagtagal na at pareho na silang nakainom, naging affectionate sa isa’t isa ang dalawa sa harap ng kanilang mga kasama.

Nakaakbay ang politician sa komedyana. Nang lumalim pa ang gabi, humahalik na si politician sa pisngi ng katabi.


Read more...
2008-06-05

Blind Item: Da hu 'tong Aktres na nag-topless sa Las Vegas  

0 comments

May all-female sexy group daw na nag-show kasama ang isang not-so-young actress.

Last show ‘yon ng all-female sexy group, kaya nagbigay sila ng ‘bonus’ sa audience. Nag-topless ang grupo.

Pati ang not-so-young actress ay bumigay at naghubad ng pang-itaas na damit.

Eh, kaso, nakita ng not-so-young actress na may isang lalaki sa audience na kumukuha ng video.

Pagkatapos ng number na ‘yon, hinabol ng not-so-young actress ang lalaki, pero hindi niya naabutan ang lalaki na nag-video.

Tinanong ng production staff ang not-so-young actress kung ano ang itsura ng lala­king nag-video at natukoy kung sino ‘yon.

Pero nag-deny ang la­laki nang komprontahin.

Iyak nang iyak ang not-so-young actress. Natatakot siya na baka ma-post sa internet ang vi­deo na ‘yon. Sino kaya ito?


Read more...