2008-07-10

BLIND ITEM: AKTRES, PINAGSABIHAN NG KAPWA AKTRES  

0 comments

NOON pa man ay irita na si actress B kay actress A na kasama niya sa iisang TV network. Nagkabanggaan na sila minsan pero itinanggi nila iyon.

Nang magparlor si actress B kamakailan ay nagsumbong sa kanya ang isang hairstylist na kesyo tinalakan ito ni actress A.

Hindi raw as in talak na talak, pero hindi nagustuhan ni hairstylist ang mga pinagsasabi sa kanya ni actress A.

Nitong nakaraang linggo ay may taping si actress B sa parlor na pinagtatrabahuhan ng hairstylist.

Dumating si actress A para magpaayos sa parlor. Naalala ni actress B ang sumbong sa kanya ng hairstylist. Pinag-usapan nina actress B at hairstylist ang insidenteng iyun. Pinaringgan nila si actress A.

Maya-maya, lumabas ng parlor si actress B para magyosi. Sinundan siya ni actress A.
Sabi ni actress A, alam niyang siya ang pinapa­ringgan nina actress B at hairtstylist.
Gusto lang sana niyang magpaliwanag. Kaso, pinagsabihan agad ni actress B si actress A na sa tagal niya sa trabahong ito, never siyang naging insecure at nanghamak ng taong katrabaho. Hindi na nakapagsalita si actress A. Bumalik si actress A sa loob ng parlor at umiyak.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories