2008-07-07

Blind Item: Dalawang aktres, matindi na ang away  

0 comments

ISA sa mga araw na ito, pag-uusapan ang away ng dalawang sikat at kontrobersyal na aktres na magkasama sa isang mala­king TV network.

Nagkaroon na noon ng intriga itong dala­wang kilalang aktres pero hindi gaanong pinag-usapan dahil pareho nilang itinanggi.

Ngayon ay iba na. Nagkabanggaan daw talaga ang dalawa, ewan kung itatanggi pa rin nila!

***

Pinakaiwas-iwasan ni Mark Herras ang isyung inili-link siya kay Kylie Padilla dahil nakakahiya raw kay Robin Padilla.

Tingin ko naman, hindi pa ito magugustuhan ni Mark dahil sobrang ba­gets pa raw.

Nagtataka si Mark kung bakit naging isyu pa sa Startalk na na­ging sila ni Rhian Ramos.

Itinatanggi rin ito ng huli at sabi rin ni Mark, hindi niya niligawan si Rhian.

Kahit MU raw ay hindi. Naging close friends lang daw sila. Pero isang malapit sa Startalk at kay Mark na rin ang nagkuwento sa aming naging sila talaga noon dahil nakakasabay raw nilang mag-date ang dalawa. Maaaring friendly date lang iyun, pero kahit off the record ay never inamin sa amin ni Mark na nagkarelasyon sila ni Rhian.

Inamin din ni Mark na nagkaroon sila ng komunikasyon ng dating girlfriend niyang si Lian Paz pero hanggang text lang daw.

Nagpalit daw si Lian ng phone number niya noon, at finorward sa kanya ang bagong number kaya sinagot daw niya ito.

Nag-text-text lang daw sila for awhile, pero hanggang du’n lang, kaya walang katotohanan daw iyung isa pang isyung nagkabalikan sila.

Happy si Mark nga­yon. Loveless siya pero tahimik ang buhay niya. Ayaw niya munang ma-involve sa kung kaninong girl dahil mas mabuting sa trabaho na lang daw siya mag-concentrate.

Sa totoo lang, marami pa rin ang kinikilig sa tambalang Mark at Jenny­lyn. May mga nag-text pa sa akin nu’ng na-phone patch si Jennylyn kay Mark sa Startalk, iba pa rin daw ang dating nila at nandiyan pa rin ang pag-asa ng fans nila na pagdating ng araw, sila pa rin ang magkatuluyan.

Sa nalalapit na panga­nganak ni Jennylyn, iniiwasan na nitong pag-usapan si Patrick Garcia dahil ayaw na niya ng mga negang isyu.

Mas positive pa sa kanya si Mark, sa totoo lang.

***

Naging totoo lang si Mommy Carol Santos sa sagot niya sa Startalk na kung siya ang masusunod, ayaw niyang makita ang ama ni Judy Ann Santos kapag ikinasal na ito kay Ryan Agoncillo. Pero alam naman daw niyang magpipilit at gusto ni Juday na ang ama nito ang maghahatid sa kanya sa altar kaya tatanggapin niya kung iyun ang desis­yon ng kanyang anak.

Alam niyang dream ni Juday na magsama-sama sila sa isang litrato kaya walang magagawa si Mommy Carol. Kahit labag sa kanyang kalooban, hahayaan na niya iyun para sa kanyang anak.
Naalala niya nu’ng ikinasal si Jeffrey Santos, dumating ang ama nina Jeffrey at Juday.
Hindi ito nakasama ni Mommy Carol sa litrato.

Pero ngayon, kung iyun ang gusto ng kanyang anak, wala na raw siyang magagawa.

***
Lalong dumami ang nagkainteres na makita ang kuma­kalat na sex scandal daw ni Aljur Abre­nica.
Nang sinilip namin ito, medyo kahawig nga kay Aljur pero naniniwala kaming hindi siya. Ito rin yata ang sex video na ibini­bintang sa isang hunk actor.

Nag-react ang ilang fans ni Aljur dahil tingin nila, sinisiraan lang ng Startalk ang young actor.
Sa totoo lang, mas makakatulong pa ito kay Aljurs dahil lalong nagka­roon ito ng sensuality na pinagnasaan ng mga babae’t bading.

Siya na rin lang ang napiling Starstruck hunk, dapat na panindigan na ito dahil hunk na rin ang dating niya.

Aware si Aljur na sa pagpapa-sexy na rin ang bagsak niya pero hindi pa siya ganu’n kahanda lalo na ang kanyang katawan.

Tingin niya, kulang pa at konting ensayo pa para gumanda ang katawan, pwede na siyang isabak sa paseksihan.

Siguro i-handle na lang ng mabuti ng GMA Artist Center itong isyung sex scandal niya. Baka mas makatulong kay Aljur itong isyu ng sex scandal kesa i-link siya sa napabalitang girlfriend daw niyang si Rich Asuncion. (ABU TILAMZIK)

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories