Blind Item: GUWAPONG AKTOR, BASTOS!
Labels: Blind Item 0 commentsSinamahan namin si Lorna Tolentino nang mag-guest ito sa ASAP nu’ng Linggo. Habang on-going ang tribute kay Rudy Fernandez, nakabantay kami sa backstage at nanonood sa monitor.
Maya-maya, pumasok sa backstage ang isang guwapong aktor na miyembro ng dating The Hunks dahil sila ang susunod na magpe-perform.
Nakakaiyak ang mga awitin ng mainstays ng ASAP sa tribute kay Kuya Rudy, pero na-distract kami sa guwapong aktor na nasa backstage.
Habang naghihintay ang guwapong aktor at nakaupo sa hagdanan ng stage, may nakapasak na earphone sa dalawang tenga niya at pinapakinggan ang kakantahin nila. Iniensayo ni guwapong aktor ang kanyang kakantahin.
Nakakalungkot ang kinakanta ng mga singers sa entablado at nag-e-emote na sana kaming nanonood sa monitor, pero itong si guwapong aktor ay walang pakialam na nagkakanta na sobrang lakas!
Mabuti na lang at natatabunan si gwapong aktor ng malakas na orchestrang tumutugtog sa entablado.
Nagtaka kami dahil siya lang mag-isa ang nandoon at nagpapraktis ng kanta.
Wala roon ang iba pa niyang kasamahang hunks.
Bakit doon pa siya pumuwesto sa likod ng stage at nagsisigaw sa pagkanta? Pwede niyang gawin ‘yon sa dressing room nila o sa ibang sulok ng studio, hindi sa may likuran mismo ng stage na may mga kumakanta pa.
Hindi namin alam kung nagpapansin o may kabastusan itong guwapong aktor na walang pakialam kung meron pang kumakanta sa may stage mismo.
Ang ilang staff na nakakita sa kanya ay hindi ito masaway kaya kinakausap na lang nila para hindi na ito magpatuloy sa pagkanta.
Kapag wala nang kumakausap sa guwapong aktor, tuloy na naman siya sa pagkanta na pagkalakas-lakas! Hindi yata siya aware na nagsisigaw na siya sa pagkanta dahil naka-earphone siya. Iisa pa lamang naman ang aktor na ito sa pagpapapansin. Ang iba niyang kasamahan ay cool lang at walang ganu’ng drama. (Abu Tilamzik)
0 comments: to “ Blind Item: GUWAPONG AKTOR, BASTOS! ”
Post a Comment