2008-07-17

Blind Item: Sexy young actress, parang asong sunod nang sunod sa sexy young actor!  

0 comments

HANGGANG nga­yon ay hindi pa rin ma-get over ng young actress na ito ang kanyang failed relationship sa isang sexy young actor. Kelan lang daw ay nakita ang young actress na naka-park ang sasakyan sa labas ng condominium building na kung saan may unit ang sexy young actor.

Ilang beses na raw nakikita roon ng security guard ang young actress.

Magpa-park lang doon si young actress ng ilang minuto sabay aalis na raw. As in, every other day daw niya ito ginagawa. Na para siyang asong sunod nang sunod sa sexy young actor!

“Akala ko ba nag-move on na siya?” tanong ng source namin na close sa young actor.

“Hindi ba super pa-interview siya na kiyemeng I’ve gotten over him ek-ek. Hindi pa pala! In-denial lang pala siya. May feelings pa rin siya kay sexy young actor. Kaso nga hindi na siya gusto, eh. Kaya move on na girl!”

Nagpalit na ng mga contact numbers niya si sexy young actor dahil nakakatanggap ito ng mga kung anu-anong text messages na galing sa anonymous cell number. Minsan daw ay mini-miss call siya.

“Ayaw naman mag-presume ni sexy young actor na si young actress iyon kaya minabuti niyang magpalit na lang ng numbers,” ayon sa aming source.

“Natakot kasi si sexy young actor sa mga messages. May mga words na hindi na niya nagugustuhan. Parang nananakot ‘yung nagpapadala sa kanya ng text.

“Kesa naman ma-bother siya sa trabaho, magpalit na lang siya ng numbers. Hayun, natigil ang mga walang kuwentang text sa kanya.”

Pero patuloy pa rin daw na nakikita ang sasakyan ng young actress na dumadaan sa condo building ni sexy young actor.

Wala ngang clue ang young actress na ang ma­nager na ni sexy young actor ang nakatira roon at lumipat na sa isang undisclosed address ang sexy young actor.

For safety and security purposes daw kaya naghanap ng ibang titirhan ang sexy young actor.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories