2008-07-08

Blind Item: YOUNG ACTOR, GALIT SA AKTRES  

0 comments

Galit pala ang young actor sa dating girlfriend niyang isang kilalang aktres dahil inisnab nito ang kanyang ama.

Nagkita-kita sila sa isang variety show kamakailan kung saan sina­mahan si young actor ng kanyang daddy.

May mga kasamang kaibigan ang daddy at gusto sana nilang magpa­litrato sa kilalang aktres na ex-girlfriend ng young actor.

Kampanteng tinawag ng daddy itong kilalang aktres para magpalitrato ang mga kaibigan nito, pero tiningnan lang siya ng aktres sabay alis.

Napahiya ang daddy ni young actor dahil close daw ang aktres sa kanya nu’ng boyfriend pa nito ang anak niyang young actor.

Welcome nga raw ito sa bahay nila na laging nakababad sa kuwarto ni young actor, nagsumbong ang daddy sa kanyang anak kaya galit na galit ang young actor sa dating girlfriend.

Kapag tinutukso namin ang young actor sa kilalang aktres, hindi magandang komento ang naririnig namin mula dito.

Hindi na bago ang ganitong pang-iisnab ng kilalang aktres sa mga gustong magpalitrato, pero hindi namin akalaing iisnabin niya pati ang daddy ng dating boyfriend niya na naging mabait sa kanya.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories