NEWS: BARON, NAGPAKITA NG NOTA
Labels: Abante 0 commentsHALOS puno ang Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) nu’ng gala preem nu’ng Sabado ng Jay na pinagbibidahan ni Baron Geisler.
Ang direktor ng Jay na si Francis Xavier Pasion ay dating headwriter/producer ng docu-drama program ng ABS-CBN na Nagmamahal, Kapamilya (ni Bernadette Sembrado) kaya nakita rin naming nanood ang ilang executives at direktor ng Dos.
Nandu’n din si Direk Maryo J. de los Reyes na very proud sa kanyang alagang si Baron.
May karapatang maging proud si Direk Maryo dahil mereseng gaano kapangit ang image ni Baron ay hindi maikakailang magaling siyang aktor at ipinakita niya ang husay niyang ‘yon sa Jay.
Ang pelikula ay tungkol sa gay TV producer na si Jay Santiago (Baron) na gumawa ng documentary report hinggil sa pamilya ng napatay na bading na teacher na si Jay Mercado (JC Santos).
Sa panghihimasok ni Jay sa pamilya ng biktima habang nagluluksa ang mga ito ay may mga natuklasan siya na itinatagong sikreto at lihim na pag-ibig ng kanyang pinaslang na katukayo.
‘Do not believe everything you see as truth’ ang babala ng first-time director na si Francis Pasion sa kanyang pelikula na isang nakakatuwang sulyap at komentaryo sa Philippine media.
Kung nagustuhan n’yo ang Bikini Open (2005) ni Direk Jeffrey Jeturian na ipinakita ang hindi kagandahang mukha ng ating local media ay maaaliw rin kayo sa Jay, na mas dinalirot pa ang isyu kung ano ang tunay na nagaganap sa likod ng kamera para makapaghatid ang media ng mga ‘makatotohanan’ at ‘makabagbag-damdaming’ kuwento ng buhay sa telebisyon.
Docu-drama ang hawak na programa noon ni Direk Francis sa ABS kaya alam niya ang kanyang sinasabi at nais ipakita sa audience sa Jay.
Sa pelikula ay real-life drama ang tema ang show ni Baron na nagtatampok sa mga biktima ng krimen, pero sa halip na ipakita ang totoo sa harap ng kamera ay mistula siyang direktor na minamanipula ang mga sitwasyon at eksena para gawing ‘cinematic’ at kaaya-ayang panoorin sa TV ang kanyang report.
Malaki ang papel ng Ces Drilon-lookalike na si Flor Salanga sa istorya dahil ito ang gumanap na ina ng napaslang na gay teacher.
Sinadya ni Baron at ng kanyang Channel 8 crew ang pamilya nito sa Bacolor, Pampanga para kunin ang exclusive story ni Jay.
Ang lakas ng tawanan ng audience sa maraming eksenang ipinakikita kung paanong paglaruan at pakialaman ng media ang mga bagay-bagay alang-alang sa isang good report.
Mas maintriga at mas madrama ay mas bongga.
Ilang beses pinalakpakan ang karakter ni Flor, lalo na nu’ng mula sa pagiging isang naïve na ina ay nasanay siyang umarte sa harap ng kamera at animo’y isa nang propesyonal na artista.
Si Baron ay natural ang pagkabading at parang hindi umaarte.
Kuhang-kuha niya ang kilos, mannerisms, pati pagsasalita ng isang gay media practitioner na gagawin ang lahat para sa isang sensational story.
Consistent si Baron sa buong pelikula at hindi siya bumitaw sa kanyang karakter, kaya ang dami rin niyang eksenang umani ng malakas na palakpakan.
Maiksi ang papel ni Coco Martin bilang dating nobyo ng napaslang na gay teacher, pero swak na swak si Coco sa kanyang role at ang lakas ng dating niya sa screen.
Kahit sa eksenang hindi siya nagdadayalog at body movements lang ang makikita mo ay ang galing ni Coco. Sobrang rave na rave siya ng kasama naming nanood na si Direk Manny Valera.
Ang cute ng eksena nina Baron at Coco sa loob ng isang church museum na panay ang pagpapa-girl ni Baron at nilalandi-landi niya ang promding si Coco habang pinipilit niyang mahingan ng interbyu.
May eksenang nag-frontal nudity rito si Baron habang naglalakad nang hubo’t hubad papasok sa shower, pero mabilis ang kuha at hindi nababad sa screen ang kanyang nota.
Ang tema ng brutal killing sa Jay ay hindi nalalayo sa tunay na nangyari sa gay executive producer ng Pinoy Dream Academy na si Joel Siervo na pinatay sa saksak ng isang lalake sa kanyang bahay nu’ng Nobyembre 2006. (Allan Diones)
0 comments: to “ NEWS: BARON, NAGPAKITA NG NOTA ”
Post a Comment