2008-07-14

Blind Item: Negosyante, nagbigay ng kotse sa sexy star  

0 comments

GENEROUS ang businessman na nali-link sa isang controversial actress. Ang businessman na ito ang nagbigay ng kotse sa isang sexy star na dating miyembro ng isang sexy group.

Madalas nakikipagkita noon si businessman sa sexy star. Natigil ang pagkikita ni businessman at sexy star dahil nabuntis ng isang showbiz-wannabe si sexy star.

Si businessman ay nali-link din sa ilang girls na miyembro ng dance group na kasali sa isang noontime show.

Aware kaya si controversial actress sa mga bali­tang ‘yon sa businessman na nali-link sa kanya?

***

Dahil sa pagbe-belly dancing para sa promo ng Codename: Asero, napansin ang maumbok na puwet at boobs ni Heart Evangelista.

May mga nag-akalang nagparetoke si Heart ng puwet at boobs kaya very prominent ang mga ‘yon.

Pero ayon mismo sa dalaga, mali ang dudang ‘yon. Wala raw siyang pinaretokeng kahit na ano.

“Natuwa na nga lang ako sa observation ng iba na baka nagparetoke ako. Of course not.

“Medyo naging prominent lang ‘yung behind at boobs ko dahil sa klase ng sayaw, ‘yung belly dancing nga,” sabi ni Heart.

Hindi lang sa promo ng Codename: Asero nag-belly dancing si Heart. Mismong sa series ay mapapanood ang pagbe-belly dancing ng dalaga sa disyerto ng Dubai.

Excited si Heart sa pagpi-premiere mamayang gabi sa GMA 7 (pagkatapos ng 24 Oras) ng first team-up nila ni Richard Gutierrez.

“Medyo kinakabahan na ako. First show ko ito sa GMA 7 at first team- up din namin ni Chard,” pahayag pa ni Heart.

***

Nasa The Buzz na si Ruffa Gutierrez kahapon. Maraming nag-usisa kay Ruffa tungkol sa pagbabakasyon niya sa Europe. Sey ni Ruffa, nagtataka siya kung bakit maraming interesado sa pagpunta niya sa Europe.

Nagbakasyon lang daw siya sandali dahil malapit na nga siyang magsimulang mag-taping para sa I ♥ Betty La Fea.

Once kasi na mag-start na ang taping ng bago niyang series sa ABS- CBN ay hindi na siya makakapagbakasyon pa.

Nakatakda ring mag-start si Ruffa ng shooting ng Desperadas 2.

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories