2008-05-03
Robin, ibu-boycott ang Beijing Olympics!
Labels: Ai ai delas Alas, Dennis Roldan, Eugene Domingo, Robin Padilla 0 comments
Malapit nang mag-umpisa (August 8, 2008) ang Olympic Games kaya naalala namin ang aming kuwentuhan nang magkaroon ng taping sa Beijing noong nakaraang taon ang Asian Treasures.
Nabanggit noon ni Robin na gusto niya na mapanood ng kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie ang malaking sports event na gaganapin sa China.
Hindi na matutuloy ang plano ni Robin. Nang magkausap kami, sinabi niya na nakikisimpatiya siya sa Tibet kaya hindi na nila panonoorin ng kanyang mga anak ang Olympic Games.
Si Ai Ai delas Alas nga pala ang leading lady ni Robin sa Ikaw Pa Rin…
***
Magiging b
ida na sa pelikula si Eugene Domingo at ang Viva Films ang magpo-produce ng project na may tentative title na Demi, MD.
May palabra de honor si Eugene dahil kahit may offer na solo movie ang dalawang major movie production, ang project ng Viva Films ang tinanggap niya dahil ito ang unang lumapit sa kanya.
Tungkol sa isang old maid ang kuwento ng Demi, MD. (short for Demetria, Matandang Dalaga) ang pelikula na pagbibidahan ng mahusay na comedienne.
***
Kung hindi pa gumawa ng paraan ang isang showbiz personality, hindi mababayaran ang kanyang designer bag na ipinabenta niya sa isang kaibigan at binili ng isang may edad na sexy comedienne.
Palaging bitbit ng sexy comedienne ang mamahaling bag na ipinagbili lamang sa bargain price (P18,000) pero hindi niya binabayaran.
Wala nang narinig sa sexy comedienne mula nang utangin nito ang bag.
Hiningi ng showbiz personality ang tulong ng kanyang kaibigan na manager ng sexy comedienne. Mabait, broad-minded at maunawain ang manager.
Alam niya na ang kanyang alaga ang may pagkakamali kaya siya mismo ang nagbayad sa utang ng sexy comedienne.
Kinuha niya ang pambayad mula sa talent fee ng kanyang alaga.
Isa lamang ang sexy comedienne sa maraming artista na nangungutang ng mga mamahaling gamit para makapagyabang at masabi na “in” sila.
***
May paliwanag si Darren Prince tungkol sa pag-aresto kay Dennis Rodman sa LA noong Huwebes nang madaling-araw dahil sa bintang na felony domestic battery.
Si Darren ang manager ng dating NBA star na inakusahan ng pananakit sa kanyang girlfriend.
Ayon kay Prince, nagkaroon ng pagtatalo si Dennis at ang girlfriend nito.
Dahil sa sobrang kalasingan ng dalawa, hinatak ni Dennis ang braso ng babae kaya nagkaroon ito ng mga galos.
Tinawagan ng mga sumaklolong hotel security ang LAPD at ito ang umaresto kay Dennis.
Nag-post si Rodman ng US $50,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
May plano rin siya na pumasok sa isang rehabilitation center para mawala ang pagkasugapa niya sa pag-inom ng alak.
Naging matindi ang drinking problem ni Rodman dahil sa epekto ng nasty divorce nila ng kanyang asawa at sa mga anak na dalawang buwan na niyang hindi nakikita.
Two years ago (eksaktong May 26, 2006), dumalaw sa Pilipinas si Dennis para sa isang exhibition game sa Araneta Coliseum.

Big issue noon ang pagdating sa big dome ni Philander Rodman, Jr., ang biological father ni Dennis na matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
Pumunta sa Araneta Coliseum si Philander para makita at makausap ang kanyang estranged son. Napahiya si Philander dahil inisnab siya ni Dennis na malaki ang galit sa kanya.
By now, alam na ni Dennis ang naging pakiramdam ng sariling ama dahil nararanasan niya ngayon na hindi makita ang kanyang mga anak. (Jojo Gabinete of Abante)

0 comments: to “ Robin, ibu-boycott ang Beijing Olympics! ”
Post a Comment