2008-05-03
Sarah, ‘natulala’ kay Howie ng Backstreet Boys!
Labels: Howie Dorough, Jake Cuenca, Sarah Geronimo 0 comments
NATAGALAN nga bago nakabalik ng Pilipinas si Sarah Geronimo, mula sa kanyang US at Canada tour. Eh kasi nga, kinailangan niyang mag-stay para sa duet nila ni Howie Dorough.
Sino si Howie Dorough? Well, siya lang naman ang isa sa mga miyembro ng sumikat na grupong Backstreet Boys.
Hay naku, ang kuwento nga, parang nakuryente si Sarah kay Howie. Masyado raw kasing guwapo si Howie, kaya medyo natulala rin si Sarah.
But of course, ilang minuto lang naman ‘yon, dahil bumirit din siya nang husto, at si Howie naman ang pinabilib niya, ‘no!
Ang kantang I’ll Be There, na prodyus ni Christian de Walden, ay magiging bahagi ng latest CD ni Sarah, na iri-release sa July, ang kanyang birthday month.
Recently rin ay nanalo rin si Sarah sa MYX Music Awards. Apat na trophy ang iniuwi niya, ang Favorite Song for Ikaw, Favorite Artist, Favorite Female Artist at Favorite MYX Celebrity VJ.
Pinarangalan din si Sarah bilang People of the Year mula sa People Asia Magazine, Nickelodeon’s Kids Choice Award, PLDT Plaque Recognition, Ang PinakaSikat na Female Singer mula sa show na Ang Pinaka ng Q-11, Best Variety Program para sa Little Big Star sa 20th KBP Golden Dove Awards, at marami pang iba.
Aba, suwerte talaga ng pamilya ni Sarah, ha!
***
Delicious and naughty ang description ng mga bading sa gagawing show ng Cover Boys sa May 9 at 10 sa Music Museum. Eh kasi, hindi lang daw sila kakanta at sasayaw, kundi magpapakita rin ng flesh.
Wow, anong klaseng flesh kaya ‘yon? Mag-enjoy kaya ang mga fans sa flesh na ‘yon?
“Hindi magsisisi ang mga manonood sa show namin, kasi bigay-todo na kami. Kumbaga, minsan lang namin gagawin ito, kaya go, go, go na!
“Ipakikita na namin ang gustong makita sa amin ng mga tao. Hindi ito puro pa-cute lang. Hubaran din ito!” say ni Jake Cuenca.
Naku, Jake, baka hindi niyo mapanindigan ‘yan, ha!
Well, sige nga, tingnan na lang natin kung sino kina Jake, Rafael Rosell, Zanjoe Marudo, Jon Avila, Victor Basa, Will Devaughn, at iba pa, ang mas malakas ang tilian mula sa mga bading. (Alfie Lorenzo ng Abante)
0 comments: to “ Sarah, ‘natulala’ kay Howie ng Backstreet Boys! ”
Post a Comment